Supremacist Ideology Theory na Masasalamin sa mga Piling Kontemporaryong Tula
Supremacist Ideology Theory na Masasalamin sa mga Piling Kontemporaryong Tula
Keywords:
kababaihan, supremacist ideology theory, radikal, tula, kalalakihanAbstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga karapatang kababaihan na nalabag sa mga tulang sinuri. Gumamit ng paraang deskriptibo o palarawang pamamaraan. Batay sa pagsusuri ay lumabas na may nalabag na karapatan sa mga tauhang babae sa tulang sinuri ng mananaliksik: Una, ang babae ay may karapatang mabuhay na malusog at masagana. Dahil dito ay dapat tiyaking ang presyo ng mga bilihin ay abot kaya ng lahat, may malawakang programa sa pabahay at serbisyong panlipunan. Pangalawa, dapat ay itaguyod ng makapangyarihan ang mga karapatang pantao, ang kapayapaan at kaayusan ng lipunan, at kinakailangang katarungan ang mamayani sa lipunan upang ang anumang krimen o pagmamalabis ay maparurusahan. Ang nangibabaw na sanhi ng napagalamang opresyon na inilalahad sa mga tulang sinuri ay radikal.